Hindi na muna manghuhuli ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lalabag sa umiiral na child car seat law o Republic Act 11229 na nag-oobliga sa paggamit ng car seats para sa mga batang edad 12-taong gulang pababa.
Ayon kay LTO Law Enforcement Deputy Director Roberto Valera, sa loob ng anim na buwan ay walang magaganap na hulihan at pagbibigay ng violation ticket sa mga driver.
Paliwanag ni Valera, ito’y dahil inaayos pa sa ngayon ng LTO ang inspection protocols nito.
Mababatid na mamimigay ng flyers ang LTO sa mga driver para maintindihan ng mga ito ang bagong umiiral na batas.