Tuluyan nang nalusaw ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Gayunman sinabi ng pagasa na mayruon pa ring namamataang kaulapan sa timog silangang bahagi ng bansa na kanilang binabantayan pa rin.
Samantala napalawig pa sa Luzon ang ridge of high pressure habang apektado naman nang umiiral na easterlies ang nalalabing bahagi ng bansa.
Dahil dito hanggang ngayong araw na ito, biyernes ay asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon sa bansa.
Sinabi ng PAGASA na walang inaasahang bago sa bansa sa mga susunod na araw.