Inaasahang magiging isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) at inaasahan din itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong gabi o bukas ng umaga.
Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Gener Quitlong, sakaling maging ganap na bagyo, ang naturang sama ng panahon sa Martes o Miyerkules ay tatawaging Bagyong Jenny.
Kasunod nito, sinabi ni Quitlong na aasahan din nila na tatama sa kalupaan ng Pilipinas ang nasabing sama ng panahon kung saan, tutumbukin nito ang hilaga at Gitnang Luzon.
Dahil dito, patuloy na makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa pinaigting na hanging habagat.