Home NATIONAL NEWS Bilang ng mga pet owner na nagrereklamo hinggil sa insidente ng pagtatapon ng labi ng mga alagang hayop, patuloy na nadadagdagan

Lolo, nagbigti matapos pagbawalang lumabas ng bahay

by DWIZ 882 January 14, 2022 0 comment
PATAY

Nagbigti ang isang matanda sa Tuguegarao matapos pagbawalan ng kaniyang anak na lumabas ng bahay.

Ito ay sa kabila ng pag-iingat ng kanyang mga anak sa 84-anyos na matanda na hindi matamaan ng COVID-19.

Ayon kay P/LT. Rosemari Taguiam ng PNP Tuguegarao, itinali ng biktima ang kanyang leeg at ang kabilang dulo sa kanilang kama at tumalon sa bintana.

Nabanggit naman ng misis ng biktima na bago ang insidente nagsabi umano ito na wala ng silbing mabuhay pa, dahil sa hindi siya pinapayagan ng kanyang anak na lumabas ng bahay.  —sa panulat ni Mara Valle

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment