Ipapamahagi sa limang lokal ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR) ang unang batch ng COVID-19 vaccines na Sputnik V mula Russia na siya namang dumating kahapon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ito’y dahil ang limang lungsod sa NCR ang may naaayong cold storage facility para sa naturang bakuna.
Mababatid na ang mga lungsod sa NCR na may storage facility na may temperaturang – 18 degrees celcius ay ang Makati, Taguig, Muntinlupa, Manila at ParaƱaque.
Ang mga nabanggit na lungsod sa NCR ay makatatanggap ng tig-3,000 doses ng bakuna kontra COVID-19.
Paliwanag ni Cabotaje, na ang Sputnik V vaccines ay pwedeng iturok sa mga indibidwal 18 pataas.
Sa ngayon, wala pang naitatalang side effects ang bakunang Sputnik V sa ibang mga bansa.