Nagpahayag ng suporta ang liderato ng interior department sa isang librong isinulat ng isang retiradong hukom para magsilbing gabay sa katarungang pambarangay.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, malaki ang maitutulong ng librong isinulat ni dating RTC branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr., lalo na ngayong may pandemya dahil maraming reklamo and dinidinig sa barangay level.
Mababatid na nakabase ito sa RA number 7160 at Presidential Decree 1508 na magsisilbi itong gabay sa mga lupon na siyang nangunguna sa kanilang katarungang pambarangay.
Bukod pa rito, inilunsad din ni Pampilo at mga kasamahan nito ang libro bilang gabay hinggil sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga.
Giit ni Pampilo na gamit ang naturang mga libro ay matutulungan ang mga law enforcement sa kanilang mga kaso hinggil sa droga na madalas ay nababasura ng korte dahil sa isyu ng teknikalidad.
Dahil din dito, ani Pampilo, maiiwasan ang pagkakaroon ng misencounter sa mga tauhan ng PDEA at pambansang pulisya.