Sabi nga nila, kapag tumatanda ka na, dapat palagian mong dala ang mga i.d. mo kapag lalabas ng bahay. Pero ang lalaking ito sa France, hindi lang basta-bastang lumalabas ng bahay kundi nagmamaneho pa! Partida, wala itong dalang lisensya sa loob ng halos tatlong dekada.
Kung ano ang kinahinatnan ng lalaki, eto.
Isang araw habang nagsasagawa ng routine traffic stop ang mga pulis sa Rhone, France, isang sasakyan ang pinahinto ng mga ito para sa expired technical inspection.
Pero dahil sa offense na yan, sunud-sunod nang naungkat ang mas marami pang violations ng driver.
Ayon sa Tarare Police, nang busisihin nila ang mga papeles ng driver ay napag-alaman na walang insurance ang sasakyan nito.
Ang pinakamalala pa sa lahat, wala pala itong lisensya simula pa noong 1997.
28 taon na pala itong nagmamaneho nang walang lisensya matapos itong ma-revoke nang mahuli na nagmamaneho nang nakainom.
Gayunpaman, tila hindi man lang nabahala ang lalaki dahil ayon sa kaniya, walang saysay ang pagkuha ng mandatory insurance o pagsasailalim sa technical inspections ng kaniyang sasakyan kung wala naman siyang lisensya.
Sa mga nagmamaneho riyan, sigurado ka ba na dala mo ang lisensya mo bago ka maglakwatsa?