Handa si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez, na humarap sa isinasagawang pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Ito’y matapos kumpirmahin ng tanggapan ni Rep. Romualdez, na natanggap na nila ang imbitasyong ipinadala ng komisyon.
Ayon kay Rep. Romualdez, handa siyang makipagtulungan sa ICI at buo ang kaniyang suporta sa layuning isulong ang transparency at pananagutan tungo sa mabuting pamamahala.
Patunay lamang ito na fake news ang mga kumakalat na balita online na nasa labas ng bansa ang dating lider ng Kamara.
Matatandaang inimbitahan ng ICI si Romualdez para dumalo at makiisa sa nagpapatuloy na pagdinig ng ICI sa darating na Martes, October 14, 2025.




