Pangunahing alalahanin ng mga Pilipino ang sinasabing nagaganap na korapsyon sa bansa.
Batay ito sa pinakahuling survey na isinagawa ng Publicus Asia kung saan 21 percent ng mga respondent ang nagsasabing ang pagkakaroon ng korapsyon sa bansa ang kanilang pangunahing concern; na sinundan ng usaping pang-ekonomiya at inflation na kapwa may 11 percent.
Lumabas sa survey na nangungunang alalahanin sa household level ang presyo ng mga bilihin, at serbisyong pangkalusugan; habang pangunahing concern naman ng mga mas nakababatang Pilipino ang kahirapan sa paghahanap ng trabaho at pagiging unemployed.
Isinagawa ang survey sa 1,500 respondents sa buong bansa mula nitong Hunyo a bente-siyete hanggang a-trenta.