Nagharap na sina US President Donald Trump at North Korean Supreme Leader Kim Jong – Un sa makasaysayang summit sa Singapore.
Magiliw na nagkamayan sina Trump at Kim nang sila’y magkita sa Capella Hotel, Singapore bago magsimula ang kanilang pagpupulong sa isang silid na tumagal ng halos isang oras.
Matapos ang pagpupulong, kapwa lumagda ng isang komprehensibong dokumento ang dalawang lider kung saan, nagkasundo silang itutuloy na ng Nokor ang denuclearization nito.
Magugunitang ito rin ang nilagdaang kasunduan ni Kim nuong Abril sa pagitan niya at ni South Korean President Moon Jae In.
Kapwa inihayag naman Nila trump at Kim na ito na ang simula ng magandang relasyon sa pagitan ng North Korea at ng Amerika matapos ang ilang taon ng hidwaan dahil sa isyu ng nuclearization.
Nagpaabot naman ng kaniyang pagbati si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa makasaysayang paghaharap nila Trump at Kim.
Malaking bagay aniya ang naging hakbang ng dalawang lider lalo’t lubhang kinakailangan ang pagkakaisa ngayon ng mga bansa upang makamit ang ganap na kapayapaan ng sangkatauhan.