Nakatakdang lagdaan ang mga kasunduan sa larangan ng counter-terrorism at data privacy sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Singapore sa susunod na linggo.
Manggagaling muna ang Pangulo sa kanyang inaugural state visit sa Indonesia sa September 4 hanggang 6 bago magtungo sa Singapore sa September 6 hanggang 7 matapos imbitahan ni President Halimah Yacob.
Ayon sa DFA na kapwa masasaksihan nina Pangulong Marcos at Singaporean prime minister Lee Hsien Loong ang paglagda sa kasunduan.
Sa magiging pulong ni Pangulong Marcos kina Yacob at Lee, inaasahan na pag-uusapan ng mga lider ang ugnayan ng dalawang Southeast Asian nations maging ang regional at global issues.
Magsasagawa rin ng briefings ukol sa negosyo at ekonomiya kasama ang investors.
Matatandaang, nagkaroon ng state visit si Yacob sa Pilipinas noong September 2019.