Tumaas pa ang mga kaso ng dengue sa NCR at sa iba pang bahagi ng bansa sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), umabot sa 3,048 ang naitalang mga kaso mula noong January hanggang May 2022.
Sa Cagayan Valley, nasa 317 mga kaso ng dengue ang naiulat mula January hanggang ngayong buwan kung saan umabot na sa 186 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan na may edad isa hanggang 18, habang tatlo ang nasawi kabilang na ang isang bata.
Umabot naman sa 1,254 ang bilang ng dengue cases sa Cebu City kung saan 16 na ang namatay na karamihan ay mga bata.
Sa Isabela, nasa 1,149 ang naitalang dengue cases mula Enero hanggang Mayo habang 315 mga kaso sa Zamboanga City.
Samantala, 13 sa 17 rehiyon sa bansa ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng dengue kumpara sa kaparehong time period noong 2021.