Nagpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y dahil wala na sa higit 2,000 at sa halip ay umaabot na lamang ng 1,000 hanggang 1,500 ang naitatala sa arawang kaso sa buong bansa.
Sinabi ni Dr. Rontgene Solante na isa sa pinakamalaking factor ay ang population immunity kung saan tuloy-tuloy ang pagtanggap ng mga bakuna ng publiko.
Maliban dito, tuloy rin aniya ang pagbaba ng hospital utilization rate at ICU rate sa mga ospital.
Umaasa naman si Solante na wala nang bagong subvariants ng Omicron ang makapapasok sa bansa hanggang sa susunod na buwan.