Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,370 COVID-19 cases kahapon dahilan para umakyat na sa 4,003,459 ang total caseload.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na nakapagtala ang ahensya ng mas mababa sa 1,500 na bagong kaso matapos maitala noong Sabado ang 1,391 infections.
Batay pa sa pinakahuling datos mula sa DOH, bumaba ang bilang ng aktibong kaso sa 20,824 na ika-12 sunod na araw na mas mababa sa 25,000 ang active cases.
Sumampa naman sa 3,918,602 ang total recoveries habang nadagdagan ng 38 ang nasawi dahilan para umakyat sa 64,033 ang death toll.
Ayon sa kagawaran, ang National Capital Region ang may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 5,401; sinundan ng CALABARZON, 3,307 at Central Luzon, 1,935.