Inaasahang aabot sa 35 billion dollars sa 2025 ang Gross Merchandise Value (GMV) ng digital economy ng Pilipinas.
Ito ayon sa report ng Google, Temasek at Bain and Company ay may pagtaas ng 20% Compound Annual Growth Rate (CAGR) mula sa 20 billion dollars.
Ipinabatid ng E-Conomy Southeast Asia Report 2022 na nagsilbing pangunahing driver o factor ang e-commerce sector na nakikitang papalo sa 22 billion dollars sa 2025 at sa 17% CAGR.
Kabilang pa sa factors sa digital economy ng bansa ang online travel na tinatayang lalago sa 44% CAGR o 4 billion dollars sa 2025 transport at food na papalo sa 29% CAGR o nasa 4 billion dollars at online media na inaasahang nasa 18% CAGR o 5 billion dollars.