Bubuo ng monitoring teams ang pamahalaan para sa mga nagpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay FDA Dir. General Eric Domingo, sasailalim sa mahigpit na surveillance mechanism ang mga nakatanggap ng naturang bakuna.
Pangungunahan ang monitoring team na ito ng epidemiology bureau ng Department of Health.
Layon nitong tukuyin kung anong posibleng maging epekto ng bakuna sa isang taong nakatanggap nito.
Ani Domingo, sakaling mayroong mangyari sa nagpabakuna sa loob ng 24 oras ay agad itong dadalhin sa paggamutan at ire-report.