Kumpiyansa ang kampo ni fighting senator Manny Pacquiao na matatalo ng Pambansang Kamao si Adrien Broner sa Enero.
Ayon kay Assistant Coach Nonoy Neri, padalawa-dalawang suntok lang ang alam ni Broner at hindi rin aniya ito counter puncher.
Ito aniya ang nakikita nilang kahinaan ng American boxer na inaasahan namang magiging bentahe sa parte ni Pacquiao.
Gayunman, tiniyak ng Team Pacman na hindi sila magpapakampante ngunit tiwala silang magkakaroon ng knockout sa laban.
—-