Relatively successful.
Ito ang paglalarawan ng Palasyo ng Malakanyang sa kampanya ng Department of Health (DOH) kontra paputok.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, bumaba ang kaso ng mga firework related injury kaya maituturing itong matagumpay.
Aniya, malaki nang improvement ang 35% pagbaba ng bilang ng mga naputukan.
Pinagmalaki rin ni Panelo na walang nasawi sa pagsalubong ng taong 2020.
Sa kabila nito inamin pa rin ni Panelo na kaya pang maiwasan ang pagkakaroon ng mga firework related injury sa hinaharap —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17).