Patuloy na tinutugunan ng DOH ang kakulangan sa manpower na inirereklamo ng mga ospital sa gitna ng banta ng COVID-19 delta variant sa bansa.
Sinabi ni health secretary Francisco Duque III, patuloy ang isinasagawang augmentation process ng DOH, kung saan nasa 20K medical workers ang naipadala sa iba’t ibang pasilidad o mga ospital.
Kaya hindi magawang palawigin ng mga ospital ang kanilang bed capacity lalo na at patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dahil sa kakulangan ng mga tauhan.
Samantala, binigyang-linaw naman ni Duque na walang batayan sa ngayon kung kailangan pang palawigin ang enhanced community quarantine sa Metro Manila sa Agosto 20.