Narapat nang maging bukas ang lahat sa usapin ng mental health, na isang paksang matagal nang itinuturing na taboo o ikinukubli at ikinahihiya sa kulturang Pilipino.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang-diin ng psychiatrist na si Dr. Kathryn Tan, na bagaman mas bukas na ang mga kabataan ngayon sa pagpapahayag ng kanilang nararamdaman, marami pa rin ang hindi nakakatanggap ng tamang suporta mula sa pamilya at komunidad.
Madalas aniyang nadidismiss ang kanilang damdamin sa mga linyang “kulang ka lang sa dasal” o “mahina ka lang,” na lalong nagpatahimik sa mga nangangailangan ng tulong.
Tinukoy din ni Dr. Tan na dapat magsimula sa pamilya ang pagbabago sa pamamagitan ng pakikinig nang walang paghusga at pagiging bukas sa usapan tungkol sa emosyon at kalusugan ng isip.




