Naniniwala si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na isa sa mga sanhi ng kahirapan ng bansa ay ang pagkakaroon ng “Functional illiterate” na mga estudyante.
Ito ayon kay Senador Gatchalian, sa panayam ng DWIZ, ay matapos lumutang sa pagdinig ng senado ang datos ng Philippine Statistics Authority kung saan aabot sa halos labing siyam na milyong Pilipino na nagtapos ng senior at junior high school ang hirap umunawa, magsulat at magbilang.
Dahil dito, binigyang-diin ni Senador Gatchalian na kailangan nang aksyunan ng Department of Education ang nasabing isyu.—sa panulat ni John Riz Calata