Nagulat ang K–Pop fans sa buong mundo matapos na magpakamatay ang kilalang K–Pop star na si Jonghyun na miyembro ng boyband group na SHINee.
— SHINee (@SHINee) December 19, 2017
Natagpuang wala nang malay ang singer sa inuupahan niyang apartment sa Gangnam District nitong Lunes, Disyembre 18.
Wala nang plano ang pamilya ni Jonghyun na magpa – imbestiga dahil kumbinsido silang nagpatiwakal ang singer.
Ngayong Martes ay inilabas naman ng kaibigan ng singer ang suicide letter ni Jonghyun na ibinigay niya ilang linggo lamang bago ang mismong pagpapakamatay nito.
Tinukoy sa liham na hindi na nito kayang labanan ang matinding depresyon.
Pinilit umano nitong labanan ang nararamdaman ngunit mahina siya at mas mabuti kung tuldukan na lamang ang kanyang buhay.