Kung minsan ay nababagalan tayo sa pagtakbo ng oras lalo na kapag nasa eskwelahan o trabaho. Pero minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at halos hindi natin mapagkasya ang dami ng mga gawin. Pero napansin niyo ba na noong nakaraang Miyerkules, July 9, 2025, ay napakabilis ng oras? Umabot pa sa punto na maaari itong mapabilang sa history.
Kung bakit nga ba mapapabilang sa kasaysayang ang July 9, 2025, eto.
Ang bawat oras na lumilipas sa kada araw, ginagamit mo ba nang tama? Sigurado ka ba na hindi mo ito sinasayang sa mga walang kwentang bagay? Sige ka, baka maubusan ka ng oras niyan.
Katulad na lang noong nakaraang Miyerkules, napansin mo ba na mabilis na natapos ang araw? Sa sobrang igsi ng araw, maaari itong maitala bilang pinakamaigsing araw sa International Earth Rotation and Reference System Services (IERS).
Ang bawat araw na dumaraan ay binubuo ng 86,400 seconds. Pero ayon sa mga eskperto, ang July 9, 2025 ay mas maigsi ng 1.3 milliseconds.
Ito ay dahil sa bahagyang pagbilis sa pag-ikot ng mundo noong Miyerkules kumpara sa karaniwang bilis nito dahil sa paglaki ng distansya sa pagitan ng buwan at ng Earth.
Sa katunayan hindi naman iyon ang unang beses na nangyari ang phenomenon na ito, dahil nitong nakaraang taon, naitala ang July 5 bilang pinakamaigsing araw dahil mas maigsi lang naman ito ng 1.66 milliseconds.
Samantala, inaasahan na mangyari pa ulit ang nasabing phenomenon sa darating na July 22 at August 5.
Sa mga mahilig magrelak-relak diyan, ihanda mo na ang to-do-list mo para hindi ka maubusan ng oras sa susunod na umigsi ulit ang araw.