Itinalaga ng pamunuan ng AFP o Armed Forces of the Philippines si Major General Danilo Pamonag bilang bagong pinuno ng Joint Task Force Marawi.
Si Pamonag ang pumalit kay Major General Rolando Bautista na ngayon ay umupo na bilang bagong hepe ng Philippine Army.
Nanguna si Pamonag sa operasyon ng militar sa Zamboanga siege noong 2013 at naging pinuno din ng Joint Special Operations Group.
Kahapon, isinagawa ang turn over ceremony na pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa mismong main battle area sa Marawi City.