Home NATIONAL NEWS Halos limang toneladang droga na nagkakahalaga ng ₱11.32-B, nasamsam ng PNP sa loob ng siyam na buwan!

Isang brodkaster sa Pangasinan, patay

by DWIZ 882 November 10, 2020 0 comment
PANGASINAN

Patay ang isang brodkaster matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa labas ng kaniyang bahay sa Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Maganes, 62 taong gulang, komentarista sa radio station DWPR at nagsusulat sa lokal na pahayagang northern watch.

Ayon kay Police Major Christian Alucod, hepe ng Villasis police kababalik lang ni Maganes sa kanyang bahay mula sa isang tindahan nang pagbabarilin ito ng anim na beses kabilang ang tama sa ulo na kaagad nitong ikinamatay.

Kuwento ng mga testigo kapwa nakasuot ng black jacket ang dalawang suspek at magka-angkas sa isang yamaha nmax scooter.

Inaalam na ang motibo sa naturang pagpatay partikular ang posibleng kaugnayan nito sa naunang pagtatangka sa buhay ni Maganes nuong 2016.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment