Naniniwala ang isang abogado na may paglabag sa pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga mamahaling regalo.
Sinabi ni Tony La Vina, dating dean ng Ateneo School of Government, hindi dapat tumatanggap ng regalo ang mga opisyal ng gobyerno bilang pagsunod no “no gifts” policy.
Giit ni La Vina, kahit ano pang regalo ito ay hindi dapat tanggapin hangga’t ikaw ay nanunungkulan sa gobyerno kahit pa sabihin mong magiging saiyo ito kapag nagretiro ka na.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Duterte na siya ay nakatanggap ng regalong bahay mula kay Pastor Apollo Quiboloy nuong siya ay alkalde pa ng Davao ngunit ayon aniya sa kanilang usapan, matitirhan lang niya ito kung siya ay nagretiro na.