Tinawag na sinungaling ng isang nagngangalang Robie Asingua at nagpakilalang live-in partner ng yumaong ama ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Uwe ang beauty queen.
Ito ay matapos almahan ni Robbie ang ipinalabas na life story ni Pia sa programang Maalaala Mo Kaya noong Sabado.
Sa isang facebook post sinabi ni Robie na hindi totoong nang-hingi ng pera kay Pia ang kanyang ama nang manalo ang dalaga bilang 1st Runner Up sa Binibining Pilipinas noong 2013.
Nilinaw rin ni Robbie na hindi siya ang katulong na kinakasama ni Uwe Wurtzbach nang makipaghiwalay ito sa ina ni Pia.
Ayon pa kay Robbie, nagkaroon aniya ng affair ang ina ni Pia sa isang nag-ngangalang Jojo dahilan kaya nakipaghiwalay ang ama nito.
Sa kasalukuyan ay wala pang sagot ang beauty queen sa sinabi ng kinakasama ng kanyang yumaong ama na si Robbie.
By Krista De Dios
Photo Credit: Pia Wurtzbach Instagram