Pumalo na sa 39 na insidente ng hate crime na tuma-target sa mga Pilipino ang naitala ng Philippine Consulate sa New York City.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Migrant Worker’s Affairs Paul Raymund Cortes, nagiging maingat ang mga awtoridad sa pagtukoy ng mga hate crime mula sa mga regular na pag-atake.
Dagdag ni Cortes, maituturing lamang na hate crime ang isang insidente kapag binanggit ng suspek ang bansa o lahi ng biktima sa komprontasyon.
Siniguro naman ni Cortes na nakakapagbigay ng tulong sa mga biktima ng hate crimes habang tinutulungan sila ng mga lokal na awtoridad sa pagsasampa ng mga kinakailangang kaso.