Bumilis ang inflation sa Pilipinas nitong nakaraang buwan.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot sa 3. 4 % ang bilis ng pagmahal ng presyo ng mga bilihin noong Pebrero.
Mas mataas ito, kumpara sa 2.8 % na naiulat noong Enero.
Gayunman, mas mababa ang inflation nitong Pebrero, kaysa sa 8. 6 % na naitala kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Paliwanag ng PSA, ito’y dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas at karneng baboy. – sa panunulat ni Charles Laureta