Nanganganib na bumagsak ang industriya ng mangga sa bansa.
Ayon kay Mango Growers Association President Ricardo Tolentino, inaatake kasi ng cecid flies o kurikong ang mga taniman ng mangga sa Luzon.
Dahil dito, itinigil na rin ng mga mango growers sa ilang lugar gaya ng Pangasinan ang pag-spray sa mga pananim na mangga dahil sa sisirain lang din umano ng kurikong ang bunga ng mga ito.
Sa kabila nito, sinisikap naman ng mga mango growers na makagawa ng gamot na panlaban sa naturang mga peste.
—-