Wala pang pinal na desisyon ang Department of Education (DepED) kung maaapektuhan ng naitalang COVID-19 Omicron XBB subvariant at XBC Variant ang implementasyon ang 5 araw na in-person classes sa mga pampublikong paaralan.
Sa public briefing ngayong araw, natanong si Education Spokesperson Atty. Michael Poa kung ipagpapatuloy pa rin ang face-to-face classes sa November 2.
Sagot ni Poa, wala pang inilalabas na kautusan ang DOH lalo’t ito ang sinusunod pagdating sa mga health guidelines o health concerns.
Noong lunes, inilabas ng DepED ang Department Order 44.
Nilalaman nito ang kautusang balik na sa full in-person classes ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan habang blended learning naman sa mga pribadong paaralan.