Puspusan ang pagpapaigting ng National Task Force Against COVID-19 sa pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, ito ay upang may proteksyon ang mga estudyante laban sa COVID-19 kapag nagsimula na ang face-to-face classes ngayon Hunyo at Hulyo.
Binigyang diin ni Galvez na hindi pa lahat ng mga nasa naturang age group ang nakatanggap ng bakuna kaya ito ang isa sa mga tinutukan ng Task Force at ng Department of Health.
Sa ngayon ayt hinihintay din aniya nila ang go signal ng Health Technology Assessment Council (HTAC) para mabigyan ng booster ang mga edad 12-17.
Samantala, nilinaw din ni Galvez na aprubado naman na ang pagbibigay ng second boosters para sa a1, a2 at a3 kung saan inuna ang mga mayroong comorbidities.