Ilang residente na ang nagsilikas matapos umapaw ang Marikina River bunsod ng patuloy na pag-ulang dulot ng Habagat.
Ayon sa Marikina City Public Information Office, hanggang kaninang pasado alas-8 ng umaga, sumampa na sa 16.3m ang lebel ng tubig sa ilog dahilan upang itaas na ang second alarm.
Kabilang sa mga nagsilikas ang mga residente ng Barangay Malanday na aminadong nagising sa lakas ng magnitude 6.6 na lindol bukod sa alingawngaw ng sirena.
Pansamantalang tumuloy ang mga apektadong residente sa Malanday Elementary School.
Simula kagabi ay walang tigil ang malakas na ulan sa Metro Manila dahil sa Habagat na pinaigting ng Bagyong Fabian.
Maliban sa Metro Manila, apektado rin ang Calabarzon, Zambales, Bataan, Ilocos Region, Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Cordillera Region, Bulacan, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, Northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Antique at Aklan. —ulat mula kay Drew Nacino