Pina-iiwas ng MMDA o Metro Manila Development Authority ang mga motorista sa ilang kalsada sa mga lungsod Quezon at Caloocan ngayong weekend.
Ito’y dahil sa isasagawang road reblocking ng DPWH o Department of Public Works and Highways simula alas 11:00 kagabi, Pebrero 23 na tatagal naman hanggang ala 5:00 ng umaga ng Lunes, Pebrero 26.
Partikular na maaapektuhan ng reblocking ang outer lane ng Visayas Avenue sa harap ng DA o Department of Agriculture; 5th Lane ng EDSA mula Roosevelt LRT Station hanggang Seminary Road.
Gayundin ang 1st lane ng Congressional Avenue extension partikular sa kanto ng Tandang Sora gayundin ang 3rd lane ng Congressional Avenue mula Cagayan hanggang Culiat Bridge.
Inner lane ng Quirino Highway mula Pagkabuhay road hanggang Kingspoint at ang 3rd lane ng Monumento Circle sa Caloocan City.
Posted by: Robert Eugenio