Inihayag ng Department of Health (DOH) na nananatiling nasa minimal-risk classification sa COVID-19 ang Pilipinas.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na bumababa ang mga kaso, kung saan 1,115 lamang na bagong kaso ang naitala sa buong bansa.
Mula Mayo a-3 hanggang a-9 aniya ay mayroong 159 na bagong kaso kada araw.
Sinabi pa ni Vergeire na nasa low-risk classification pa rin ang Healthcare Utilization Rate ng bansa.
Sa kabila nito, naobserbahan naman ng DOH ang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley, MIMAROPA, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Ilocos Region, Central Luzon, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.