Nagtakda nang deadline ang COMELEC o Commission on Elections para sa mga Partylist group na lalahok sa 2019 mid-term elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hanggang Abril 30 na lamang ang deadline para sa paghahain ng petition for manifestations on intent to participate ang mga bagong Partylist group.
Saklaw din ng paghahain ng naturang manifestations ang mga kasalukuyan nang rehistradong partylist groups, mga coalitions at organizations.
Kaya payo ni Jimenez sa mga partylist group, rehistrado man o hindi, magsumite na ng kanilang mga manifestations upang maiwasan ang anumang abala.
Posted by: Robert Eugenio