Nasa halos 90% lamang ng mga health workers ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang nagpabakuna kontra COVID-19.
Ito’y dahil inaasahan ng mga health workers ng Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang bakunang Pfizer at hindi ang Coronavac ng Sinovac mula sa China.
Ayon kay Dr. Imelda Mateo, pinuno ng ospital, halos 130 lamang mula sa 1,300 health workers nila ang nagpabakuna ng Coronavac.
Dagdag ni Mateo, ang mga senior na Doktor ay payag magpabakuna ngunit hindi ito inirerekomenda sa lampas 60 taong gulang.
Sinabi pa ni Mateo, nanghihinayang siya dahil isa itong oportunidad na mabakunahan ang mga health workers upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa bansa.— sa panulat ni Rashid Locsin