Pinuna ni Senador Panfilo Lacson ang umano’y pagsalungat sa ilang mahalagang probisyon ng Corporate Recovery and Tax Incentive for Enterprise (CREATE) bill sa minamadaling maaprubahan ng mga senador na Aerocity Franchise bill para sa pagtatayo ng higanteng paliparan sa lalawigan ng Bulacan.
Bagamat aprubado na sa second reading sa senado ang prangkisa ng San Miguel Aerocity Incorporated para sa pagpapatayo ng international airport, nasilip naman ng ilang senador ang magiging epekto nito sa create bill na priority rin sa senate legislation.
Sa period of interpellation sa senado para sa final plenary approval ng prangkisa ng SMC Aerocity, kinuwestyon ni Lacson ang banggaan ng mga probisyon sa dalawang mahalagang panukalang batas.
Sa ilalim ng create bill na una nang naisalang sa senado, sasagawa ang tax incentive item na nakapaloob dito sa probisyon namang nakapaloob sa airport franchise bill na nagbibigay ng umano’y sobra-sobrang tax incentives sa kumpanyang pag-aari ni Businessman Ramon Ang.
Partikular na tinukoy ni Lacson ang probisyon sa create bill na mag-aalis sa ilang fiscal incentives para sa karagdagang income ng gobyerno bilang kapalit naman ng pagpapababa sa corporate income tax ng mga pribadong negosyante.
Sinabi ni Lacson na kung mauunang maaprubahan ang panukala para sa pagpapatayo ng Bulacan Airport ay mawawalang saysay ang mga nabanggit na tax exemptions sa SMC Aerocity dahil probisyon ng create bill na nagsasabing anumang batas na kontra sa mga regulasyon nito ay kinukunsiderng repealed o walang bisa.
Ang nasabing probisyon para sa umano’y nakakalulang pag libre sa mga bayarin sa buwis na sinasabi ng mga kritiko na tanging ang SMC Aerocity lamang ang napagkalooban ay una nang binatikos ng action for economic reform at iba pang advocacy group bilang labag sa panuntunan ng gobyerno at umano’y nakakasira sa patas na pagnenegosyo sa bansa.