Naitala ang pananalasa ng Rice Black Bug (RBB) sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) science research specialist Trojane Soberano, incidence lang at hindi pa outbreak ang pananalasa ng nasabing insekto na nagtataglay ng mabahong amoy kung saan ay apektado nito ang ilang bahagi ng San Jose Malino at Arayat sa naturang lalawigan.
Aniya, nagsasagawa na ng hakbang ang DA upang maiwasan ang pagkalat ng mga peste.
Pinayuhan din ni Soberano ang mga magsasaka at residente ng mga apektadong lugar na gumamit ng light trapping equipment.
Una nang nanalasa ang rice black bug sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at Asingan, Pangasinan.—mula sa panulat ni Airiam Sancho