Epektibo na ngayong araw sa ilang piling lugar sa bansa ang ika-9 na taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa abiso ng kumpaniyang Chevron Philippines Inc. o Caltex, Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp., at SeaOil Philippines Inc., maglalaro sa P90 centavos ang dagdag-singil sa presyo sa kada litro ng Gasolina; P80 centavos naman ang dagdag-singil sa presyo sa kada litro ng Diesel; at P75 centavos naman sa Kerosene.
Magpapatupad naman ng kaparehong presyo ang kumpaniyang CleanFuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines Inc., PTT Philippines Corp., at unioil petroleum philippines inc. pero hindi kasama ang Kerosene.
Una nang nagpatupad ng pagbabago sa presyo ng langis kaninang madaling araw ang Caltex habang kaninang alas-sais ng umaga naman ang lahat ng kumpanya maliban lang sa CleanFuel na magpapatupad ng presyo mamayang alas-kuwatro ng hapon.
Ayon sa datos ng Department of Energy (DOE), ang year-to-date adjustments stand at total net increase sa kada litro ng Gasolina ay pumalo na sa P7.95; P10.20 naman sa kada litro ng Diesel; at P9.10 naman sa kada litro ng Kerosene. —sa panulat ni Angelica Doctolero