Kumpiyansa ang Independent Commission for Infrastructure na hindi mababale-wala ang kanilang mga “findings” na inirekomenda sa Ombudsman, sakaling ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang pagkakabuo ng ICI.
Ayon kay ICI Executive Director Brian Hosaka, sa oras na nai-refer na ang mga “findings” ay binibigyan na ito ng pansin ng Ombudsman.
Dagdag pa ni Executive Director Hosaka, sakali mang maging unconstitutional ang ICI, ang Ombudsman na ang bahala kung ano ang gagawin nito sa mga referral. Dahil dito, hindi nababale-wala ang nagawang trabaho ng komisyon.
Nabatid na kinuwestyon ng isang petitioner sa Korte Suprema ang constitutionality ng Executive No. 94 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lumikha sa ICI.




