Lumarga na ang national flag week sa ilang makasaysayang lugar sa Pilipinas simula Mayo 28 hanggang Hunyo a-12 o sa mismong araw ng kalayaan.
Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), binihisan ng kulay watawat at kinabitan ng bandila ang historical places tulad ng Aguinaldo Shrine sa Cavite, Barasoain Church sa Bulacan at Rizal Shrine sa Laguna.
Bahagi ang programa ng “Salute to a clean flag” na layong imulat ang mga kabataan sa kahalagahan ng pag-iingat sa bandila.
Alinsunod sa National Flag and Heraldic Code of the Philippines, bawal gawing damit, mantel o iba pang hindi angkop na paggamit ang mga lumang watawat ng Pilipinas dahil may tamang paraan ng disposal dito.
Hinimok naman ng NHCP ang lahat na bisitahin ang historical sites sa bansa na libre kung daraan sa online booking at magpapakita ng vaccination card.