Tiniyak ni Transportation Secretary Vince Dizon na maibibigay ang hustisya sa pinaslang na Special Action and Intelligence Committee for Transportation enforcer na si Hervin Cabanban.
Kasabay ito ng pagkondena ni Sec. Dizon sa pagkakapaslang sa nasabing tauhan ng SAICT na binaril sa tahanan nito sa Cavite.
Ipinunto ng kalihim ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad ipagkaloob ang katarungan kay Cabanban at pamilya nito.
Kasalukuyan na aniya silang nakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agency tulad ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation, upang makamit ang hustisya para sa pinaslang na SAICT enforcer.
Samantala, naglabas na rin ng pahayag si DOTr-SAICT Assistant Sec. Jose Lim the Fourth bilang pagkondena sa pagkakapatay kay Cabanban.