Inihain ng isang kongresista sa Kamara ng Traffic Crisis Act for emergency powers para masolusyonan ang problema sa traffic.
Ayon kay Calbayog City Representative Edgar Sarmiento, meron nang nakalatag na master plan para maisaayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Kabilang dito mas maayos umanong dispatching ng mga bus para sa mas ligtas na babaan at sakayan ng mga pasahero.
Kasama rin ang pakikipagtulungan ng mga Local Government Units (LGU) sa mga ahensya sa sektor ng transportasyon.
Nanawagan din si Sarmiento sa publiko na pairalin pa ang disiplina sa lansangan. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)