Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Hukom na tinambangan sa Camarines Sur binawian na ng buhay

by DWIZ 882 June 13, 2018 0 comment
police-line
(Updated)

Binawian na ng buhay ang isang hukom matapos itong pagbabarilin kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Judge Ricky Begino, 49-taong gulang ng Municipal Trial Court sa mga bayan ng San Jose, Lagonoy at Presentacion sa Camarines Sur.

Dakong alas-singko ng hapon nang pagbabarilin ng suspek na kinilalang si Wilfredo Armea ang biktima sa Zone 3 ng barangay Sta. Maria, bayan ng Presentacion.

Nadala pa sa ospital si Begino matapos na magtamo ng tama ng bala sa leeg at katawan ngunit binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

Kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad ang itinuturong suspek sa krimen.

(May Ulat ni Jonathan Andal)

 

 

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment