Patuloy sa pagsipa ang kaso ng COVID-19 sa Thailand, dahilan upang kinailangang gamitin na bilang mahihigaan ng mga pasyente ng COVID-19 ang mga kama sa mga hotel doon.
Batay sa ulat ng Reuters, tinawag na ‘hospitels’ ang mga hotel na nagsisilbing ospital para sa mga asymptomatic na COVID-19 patient kung saan 23 3 hanggang 5 stars hotel na ang nakapagparehistro sa pamamagitan ng health ministry ng Thailand.
Tinatayang 5,000 kama mula sa mga ito ang nakalaan para sa mga pasyente, habang 2,000 ang okupado na at inaasahang karagdagang 7,000 kama pa ang ilalaan para sa COVID-19 patients.
Magugunitang, nakapagtala ngayong Biyernes, Abril 16 ang Thailand ng karagdagang 1,582 bagong kaso ng COVID-19 dahilan upang sumampa sa 39,038.—sa panulat ni Agustina Nolasco