Nanindigan ang mga transport groups na tuloy ang kanilang hirit na taas-pasahe kahit pa may malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Paliwanag ni Ka Obet Martin, presidente ng Pasang Masda, mas nag-aalala sila kapag may malakihang tapyas sa presyo ng produktong petrolyo dahil posibleng malaki rin ang bawi ng mga kumpanya ng langis sa oras na magpatupad na sila ng taas-presyo.
Dagdag pa ng grupo, pinangangambahan din nila ang pagpapatupad ng mas mataas na excise tax sa petrolyo kung saan tiyak na maaapektuhan sila.
Inihihirit ng mga transport group na itaas sa P12 ang minimum na pasahe sa jeep mula sa P9.