Nagpaalala ang World Health Organization na higit isang milyong tao na ang nagkakasakit araw-araw sanhi ng hindi ligtas na pagkain.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng WHO ang matinding pangangailangan ng koordinasyon at scientific-based actions mula sa pamahalaan, negosyo, akademya, at mga mamimili upang maiwasan ang sakit mula sa pagkain.
Giit pa ni WHO Expert Simone Raszl, responsable ang lahat ng indibidwal sa food safety, dahil anya kung hindi ligtas ang pagkain, hindi ito tunay na pagkain.