Pumalo na sa halos apat na put anim na libo (45,592) ang bilang ng mga lumabag sa quarantine protocols limang araw matapos maipatupad ang alert level 3 sa National Capital Region (NCR).
Base sa datos ng Philippine National Police (PNP), naitala ang bilang ng higit walong libo (8, 834) na mga sumuway sa protokol mula sa daily average na higit siyam na libo (9,118).
Nasa 56% naman mula sa kabuuang bilang ang nabigyan lamang ng babala, 36% ang pinagmulta habang 8% ang napatawan ng parusa.
Samantala, kabuuan na halos labing dalawang libo (11,903) naman ang lumabag sa curfew habang tatlong daan labing walo (318) ang mga lumabas na hindi Authorized Person Outside of Residence (APOR).—sa panulat ni Airiam Sancho