Nasa mahigit 200,000 mga kabataan ang naitalang biktima ng sexual abuse ng ilang mga miyembro ng isang catholic church sa France.
Base sa imbestigasyon, karamihan sa mga kabataang inabuso ay mga lalaking edad 10 hanggang 13 kung saan, nasa halos 3,200 abusers ang sangkot kabilang na ang ilang mga pari at iba pang clerics o lider.
Nabatid na posible pang umakyat sa 330,000 ang bilang ng mga biktima kung isasama ang mga pangmomolistiya ng mga lay members ng simbahan.
Sa ngayon, pinoproseso na ang nasabing mga kaso habang ang iba naman ay sumailalim na sa paglilitis sa ilalim ng French Law. —sa panulat ni Angelica Doctolero